Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.
Dating tinatawag ng Bagumbayan noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento